“Parang hininga ang wika, walang buhay kapag walang wika. Instrumento ito upang maipahayag at maipabatid ang pangangailangan ng tao.” -Bienvenido Lumbera
“Isang midyum at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga tao.” -J.V Stalin (salin ni Mario Miclat)
“Masistemang Balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa iisang kultura.” -Henry Gleason
Bawat isa ay mahalaga. Kung walang wika ang tao, walang mabubuong lipunan. Kung walang lipon ng tao o lipunan, walang uusbong na kultura.
Mga Katangian ng Wika
1. Masistemang Balangkas
-May kaayusan o order (masistema)
Dalawang masistemang balangkas ng wika
-Balangkas ng tunog
-Balangkas ng mga kahulugan
Ponolohiya - Pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika
Morpolohiya - Pag-aaral ng pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Sintaksis - Pag-aaral ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng pangungusap.
Semantika - Pag-aaral ng pagbibigay kahulugan ng mga salita
2. Sinasalitang Tunog
Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika.
Ang ingay at kung ano pa man na naririnig ay hindi maituturing na wika dahil dapat ay isinasaalang-alang ang kasangkapan na ginagamit sa pagbuo ng pananalita.
3. Pinipili at isinaayos sa paraang arbitraryo
-Arbitraryo = napagkasunduan
Ito’y pinili at isinaayos para sa layunin ng mga gumagamit nito.
Hal. Wikang Maranao = mga kapatid nating Muslim
4. Ginagamit sa komunikasyon
Wika ang nagbibigkis sa tao upang magkaisa.
Wika ang pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o mahigit pang taong nag-uusap.
5. Pantao
-Ang wika ay pantao lamang. Ang mga insekto o hayop ay nagpapahayag din ng kanilang mga nararamdaman ngunit ito ay sa pamamagitan lamang ng kanilang pandama o instinct.
6. Nakaugnay sa Kultura
Kutura = paraan ng pamumuhay
Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng dalawang ito. Ang kultura ay nabubuo at napepreserba dahil sa wikang ginagamit ng tao.
7. Natatangi
Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang sistema ng palaugnayan.
8. Dinamiko
Ang wika ay nagbabago. Kasabay ng paglipas ng panahon ay pag-unlad at pagtuklas ng mga bagong wika buhat ng agham at teknolohiya at iba pang salik na maiuugnay rito.
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
1. Teoryang Biblikal
a. Tore ng Babel
“Teorya ng Kalituhan”, hango sa aklat ng Genesis 11:1-8.
May iisang wika lamang, ang Wikang Armaic.
Pagtatayo ng Tore na aabot ng langit upang maging tanyag sa daigdig.
Subalit Nakita ng Diyos ang kapangahasan ng tao na sadyang makasarili kaya pinag-iba-iba
niya ang mga wika nito. Naglakbay sila sa iba’t ibang dako ng mundo bitbit ang wikang
kanilang sinasalita.
b. Pentecostes
Hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto
ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman. Nilukob sila ng mala-dilang apoy na
nagpasigla sa kanila hanggang sa magsalita ng iba-ibang wika.
2. Teoryang Siyentipiko
a. Bow-wow
Nabuo ni Max Mveller
Nagsimula buhat sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan.
Hal. Ngiyaw ng Pusa, tilaok ng manok, lagaslas ng tubig sa ilog
b. Ding-dong
Hango sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid.
Hal. Tunog ng kampana, tiktak ng orasan, talbog ng bola
c. Tata
Pranses na ang ibig sabihin ay pamamaalam. (Muestra)
Paggaya sa mga galaw ng katawan na humahantong sa koordinasyon ng bibig at dila.
d. Yo-he-ho
Nabuo ni Noire
Sanhi ng mga tunog na kaniyang nauusal tuwing siya ay gagamit ng matinding puwersa
sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
Hal. Pagbubuwal ng Kahoy, Pag-aangat ng malaking bato.
e. Pooh-pooh
Mula sa masidhing damdamin na naibubulalas ng tao.
Hal. naibubulalas ng tao dala ng matinding takot, galak, sakit at iba pang emosyon.
f. La-la
Nabuo ni Otto Jespersen
Salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay ang mga pwersang may kinalaman sa
romansa tulad ng pag-ibig.
g. Yum-yum
Stimulus-Response
Pagka-amoy ng masarap na pagkain sabay pag-usal ng yum-yum o yummy
Koordinasyon ng kilos ng tao gaya ng pagtango kasabay ng pagsasabing oo.
h. Tarara-boom-de-ay
Tungkol ito sa mga seremonya o ritwal na isinasagawa ng mga tao.
Mga Terminolohiyang Dapat Isaalang-alang
1. Dayalekto
Tinatawag din itong wikain.
Dulot ng Dimensiyong Heograpikal
Baryasyon ng wika na ginagamit sa loob ng isang partikular na lugar o teritoryo ng isang
pangkat ng tao.
Hal. Tagalog-Kabite , Tagalog-Batangas, Tagalog-Quezon, Ilokano, Kapampangan, Cebuano
2. Idyolek
Nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao
na gumagamit ng isang komon na wika.
Hal. Lakas ng boses sa pagsasalita ng mga Batangueno, Lambing ng pagsasalita ng mga
Ilonggo
3. Sosyolek
Dulot ng Dimensyong Sosyal
Hal. Jejemon, Taglish, Enggalog, Bekimon
4. Rehistro ng Wika
Code na ginagamit sa pakikipagtalastasan na espesyalisado lamang sa kanilang pangkat.
5. Jargon
Tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Hal. Leagal Jargon (Abogado) I.T Specialist Jargon
Kaantasan ng Wika
1. Balbal
Pinakamababang antas ng Wika (slang)
Madalas na naririnig sa lansangan
2. Kolokyal
Wikang malawakang ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na pakikipagdiskurso.
3. Lalawiganin
Wikang ginagamit sa isang partikular na lugar o pook.
4. Pampanitikan
Ipinapakita ang kagandahan, yaman, kariktan at retorika ng wika.
Sanggunian:
Carpio, Perla S. et. al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipimo. Malabon City:
JIMCYZVILLE Publications
Dillague, Nora M. et. al (2005). PUNLAAN Sining ng Komunikasyon Pandalubhasaan. Manila
City: Adamson University Press