PONOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO Ponema, Ponemika, at Ponetika
Panimula
“Ang Palatunugan at Tinging Pahapyaw na Pagtalakay sa Palabigkasan”
Ang aralin sa palabigkasan, palatuldikan at makabuluhang tunog ng isang wika ay tinging-sinakop ng Ponolohiya ng wikang Filipino. Isa-isahin natin ang binigay na depinisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino hinggil sa ponetika o palabigkasan ito ay “agham ng tunog ng mga salita at ang pagpapalabas o pagbigkas sa mg ito”. Mapapansing sa pag-aaral ng palatunugan ay dadaan tayo sa tinging pahapaw na pagtalakay sa palabigkasan, ang Glottal na pasara o glottal stop ang magsisilbing tagapagpaliwanag ng palatuldikan. Ang ponemika o palatunugan naman ay “pag-aaral at pag-uuri sa iba’t ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita” ,” at ang makabuluhang tunog na ito ay tinatawag na ponema.
Ang isang mag-aaral na walang kaalaman hinggil sa palatunugan o Ponolohiyang Filipino ay aakalain na ang mga tunog o ponema ay bahagi ng Palabaybayang Filipino. Isa ang nabanggit sa dahilan kung bakit natin dapat alamin ang pinagkaiba ng patalakay sa palabaybayan at palatunugan. Sa lekturang ito, magiging malinaw sa mag-aaral ang ponema na bumubuo sa kanyang pagsasalita. Tulad ng alinmang wika sa daigdig, ang Filipino ay binubuo ng mga tunog. Sisimulan natin ang aralin sa Palatunugan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga tunog na bumubuo rito.
Ang Pagsasalita
Tatlong (3) salik na kinakailangan upang makapagsalita ang tao.
Pinanggagaling ng lakas o enerhiya.
Pumapalag ng bagay o artikulador.
Patunugan o resonador.
Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago at Tiancgo, 1991
Sa pamamagitan ng interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito nakalilikha tayo ng tunog na ating naririnig, nakalilikha rin tayo ng tunog sa pamamagitan ng palabas ng hangin mula sa baga na siyang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, ang palabas na hanging ito ay tinatawag na eksplosibo o pabuga Samantalang ang mga wikang pahigop naman ang bigkas ay implosibo.
Apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.
Dila at panga (sa ibaba)
Ngipin at labi (sa unahan)
Matigas na ngalangala (sa itaas)
Malambot na ngalangala (sa likod)
Ayon kay Alfonso O. Santiago ang pangunahing tungkulin ng dila ay sa pagkain at hindi sa pagsasalita. Pangalawang tungkulin lamang dila ang tungkol sa pagsasalita, ang dila ay napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod sa ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na gustong bigkasin. Nababago rin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at dila na kapuwa malayang naigagalaw.
Ponolohiya ng Filipino
Ponemang Segmental at Ponemang Suprasegmental ang bumubuo sa wikang Filipino. Tinatalakay sa Ponemang Segmental ang mga katinig, mga patinig, diptonggo, klaster, pares minimal at ponemang malayang nagpapalitan. Sa Ponemang Suprasegmental naman tinatalakay ang haba at diin, tono at antala.
Ponemang Segmental
Nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nawawala ang isang ponema o nadaragdagan ito. Ang makabuluhang tunog ng isang wika ay napakahalaga sa pang-araw-araw na komunikasyon ng isang indibidwal upang maintindihan ng kanyang kausap. Tingnan ang halimbawa alinsunod sa pagtalakay nina(Santiago at Tiangco 1991).
Ang salitang bansâ, halimbawa ay mag-iiba ang kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ - banâ o maliit na lawa, bantâ o ‘threat’ naman kapag pinalitang ponemang /t/. Samakatuwid ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino o ponemang segmental. Nilinaw din sa pagtalakay nina (Santiago at Tiangco, 1991) ang ganap na asimilasyon sa isang salita na iba sa tinutukoy na halimbawa sa itaas. Ang salitang “asinan” (lagyan ng asin) sa pangungusap na “Asinan mo ang isda” ay nagkaroon ng asimilasyon – nawala ang “i” at nagiging “Asnan mo ang isda” na hindi nag-iiba ang kahulugan. Gayundin naman ang pagpapalit ng “r” sa “d” sa katagang “daw” kung ito’y sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig.
Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig.
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h, l, r, w, y/
Mga Patinig - /i, e, a, o, u/
Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago at Tiangco, 1991Mga Ponemang Katinig ng Filipino
Punto ng Artikulasyon inilalarawan sa limang (5) punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig. (Santiago at Tiangco 1991).
1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa sa labing itaas. /p, b, m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. /t, d, n/
3. Panggilagid – ang ibaba ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s, l, r/
4. Pangalangala
Matigas (Palatal) – dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. /y/
Malambot (Velar) – dumidiit sa malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. /k, g, ŋ/
5. Glottal – naglalapit ang kuwerdas ng pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang limukha ng paimpit o pasutsot na tunog. Pahina 3 at 4.
Paraan ng Artikulasyon inilalarawan kung paano gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita.
1. Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p, t, k, ?, b, d, g/
2. Pailong – ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. ./m, n, ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging lumabalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig. /s, h/
4. Paligid – ang hangin ay lumabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid./l/
5. Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinabayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag sa dulo ng maarkong dila. /r/
6. Malapatinig – nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon. /w, y/.
Ponemang Patinig sa Filipino
Ang patinig ay katulad ng katinig sa Filipino.
Ito ay maiiayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas
HarapSentralLikodMataasi uGitnae oMababa a
Diptonggo, Klaster, Pares Minimal, at Ponemang Malayang Nagpapalitan
Mga Pares Minimal
Ito ay ang ponema o makabuluhang tunog ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita sa sandaling ito ay alisin o palitan
Sa pamamagitan ng pares ng mga salita, madaling maipapkita ang ganitong kaligiran.
Halimbawa:
Pala= /pala/ = ‘shovel’ ambon = /ambon/ = ‘drizzle’
Bala= /bala/ = ‘bullet’ ampon = /ampon/ = ‘adopt’
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ang mag-kaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nag papabago sa kahulugan ng mga salita ay sinasabing nasa malayang pagpapalitan.
Halimbawa:
Kapag nagpakita ng ibang anyo ang dalawang tunog o ponema sa magkatulad na kaligiran, ang kahulugan ay nagbabago;
Mesa – misa oso - uso
Ewan – iwan boto – buto
May mga pagkakataong ang pagpapalit ng ponema ay hindi nakakapagbago sa kahulugan ng salita;
Lalake – lalaki abogado - abugado
Raw - daw opo – oho
Diptonggo
Ayon kay Santiago at Tiangco (2003), ang mga diptonggo ng Filipino aw,iw,iy,ey,ay, at uy. Ito ay tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na w/0/y sa loob ng isang pantig.
HarapSentralLikodMataasiw, iy UyGitnaey UyMababa aw, ay
Halimbawa:
Giliw kasoy
Reyna kami’y(dinaglat na kami at ay)
Bahay mababaw
Mga Klaster
Busod ng nagbabagong panahon at impluensiya ng mga dayuhan lalo na ng Ingles, ang mga klaster o kambal-katinig-mahkasund na magkaibang katinig sa loob ng isang pantig, sa Filipino ay parami na nang parami.
Nagbigay si Santiago at Tiangco, 1991 ng maaaring kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na klaster.
/w//y//r//l//s//p/pwedepyanoprenoPlano /t/twalyatyanggetrabaho Tsinelas/k/kwagokyoskokrusKlase /b/bwayabyenanbrasoBlangko /d/Dwende dyaryodrama /g/Gwapogyeragrupo /m/mweblesmyembro /n/nwebeNyebe /l/lwalhatiLyabe /r/rwedaPatrya /s/sweldoSyota /h/hwetengx
Glotal na Pasara o Impit na Tunog at Ponemang Suprasegemental
(Tinging Pahapaw na Pagtalakay sa Palabigkasan, Palatuldikan, at Bantas)
Tinawag sa BALARILA NG WIKANG PAMBANSA o matandang balarila ang /?/ bilang impit na tunog o glottal na pasara, isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasara ng glottis. Ang glottal na pasutsot /h/ naman ay nalilikha sa pamamagitan ng bahagyang pagbukas ng glottis. Pansinin ang pag-aaral.
Ang glottal na pasara ay nalilikha sa pamamagitan ng pagsasara ng glottis habang nagsasalita. Ang ilan sa mga awtor o manunulat ng aklat pampaaralan ay gumagamit ng simbolong /q/o kaya ay itinataas ang koma, /?/ tandang pananong na inalisan ng tuldok. Ngunit sa palabaybayan ng wikang Filipino ang glottal na pasara ay kinakatawanan ng tuldik na paiwa /ˋ/ at gitling (-) tulad ng mga ss:
Batà, bagà, batì at mag-alis.
Ang glottal na pasutsot /h/ naman ay inirerepresenta ng titik ‘h’ ay maituturing na kasalungat ng glottal na pasara sapagkat sa halip na magdiit ang dalawang kwerdas pantinig, ang mga ito’y naglalayo upang malayang makaraan at hindi pumalag ang mga kwerdas pantinig sa pagbigkas ng ponemang /h/, ito’y maituturing na voiceless o walang boses.
Ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng” sa ating ABAKADA na bagamat binubuo ng ng dalawang titik ay sumasagisag lamang sa isang makahulugang
Ponemang Suprasegmental
“Pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hindi ito tinutumbasan ng letra o titik sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas”(UP Diksiyonaryong Filipino).
Sa pamamagitan ng Ponemang Suprasegmental nagiging higit na mabisa ang ating pakikipagtalasan. (Santiago at Tiangco).
Sa aklat ni Santiago at Tiangco 1999, apat ang kinilala nitong ponemang suprasegmental.
Tono o pitch
Haba o length
Diin o stress
Antala o juncture
Ang tono ay tumutukoy sa taas – baba ng bigkas ng pantig ng isang salita, ang haba ay sa haba ng bigkas ng patinig sa pantig, ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig, at ang antala ay sa saglit na pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita.
Tono – taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.
(a) 3 (b) 3
2 pon 2 ha
Ka 1 ka 1
Ha pon
Haba at diin– ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng isang nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita, pagbibigay pansin sa pagbigkas ng isang salita /./ upang ipahiwatig na ang bahagi ng salita ay may diin. Mahalagang mga diin sa pagbigkas nang may diin.
Halimbawa:
Break, break, break
On thy cold, gray stones, O sea!
Ang unang linya ng tula ay binubuo ng tatlong pantig lamang, samantalang ang ikalawang linya ay binubuo ng pitong pantig. Sa Filipino, hindi maaari ang ganito kapag ang pinag-uusapan ay ang kumbensiyonal na tula na may sukat at tugma.
Halimbawa:
Pag-ibig anaki’y aking nakilala,
Di dapat palakhin ang bata sa saya.
Halimbawa: (Paggamit ng tuldok sa isang salita na ma’y diin)
Bu.kas – susunod na araw
Bukas – hindi sarado
Halimbawa: (Paggamit ng malalaking titik sa pagpapakilala ng pantig na may diin.
BU:hay – kapalaran ng tao.
Bu:HAY – humuhinga pa
Antala o Juncture – saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating kausap. Sa anyong pasulat, ang antala ay maaaring ihudyat ng mga bantas tulad ng kuwit(,), tuldok(.), tuldok-kuwit(;), at ng tutuldok(:).
Halimbawa:
Tito Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan.
Tito, Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan na si Jose Antonio sa kanyang Tito.
Tito Jose, Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan na si Antonio sa kanyang Tito Jose.
Tito Jose Antonio, ang kaibigan ko - ipinapakilala ang kanyang kaibigan sa kanyang Tito Jose Antonio.
Iba pang halimbawa:
Hindi masarap – It’s not delicious.
Hindi, masarap – No, it’s delicious.
Paglalagom ng Paksa
Ayon kay Alfonso O. Santiago at Norma Tiangco, 1991. Ang hambigang Segmental at Suprasegmental ay maituturing ngang isang ulam, ito raw ay sinigang na karneng baboy. Ang karneng baboy ang siyang pinakaprinsipal na sangkap na maihahalintulad sa ponemang segmental, kung wala ang karneng baboy ano ang magiging lasa nito kung ang sangkap lamang ay pawang mga rekados na siyang ponemang suprasegmental. Samakatuwid kapag ito ay pinakuluan kasama ang kompletong sangkap lalabas ang sarap ng lasa na siya namang unawaan sa paggamit ng salita at pagbuo ng pangungusap. Ang Palabigkasan at Palatunugan ay kapuwa sangkap sa pag-aaral ng Ponolohiya ng wikang Filipino.
Sanggunian:
Santiago, Alfonso at Tiangco, Norma G. - Makabagong Balarilang Filipino, 1991
Dolores Tanawan ,atbp - Istruktura ng wikang Filipino
Jioffre A. Acopra – Retorika: Sining ng Pagpapahayag Pandalubhasaan 2015
Mabilin – Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Panimulang Linggwistika ni Alfonso O. Santiago, 1979
UP Diksiyonaryong Filipino